Billionaires True Love by Cathy - Billionaires True Love by Cathy Bab 10
- Home
- All Mangas
- Billionaires True Love by Cathy
- Billionaires True Love by Cathy Bab 10
Kabanata 0010
“Ikaw lang ang magshopping Bestie samahan nalang kita.” nakangiti kong sagot dito.
“No Bestie libre kita ngayon”. Bilhin mo lahat ng gusto mo ako ang bahala”. Nakangiti na sagot nito.
Naku, ikaw talaga huwag na. Kompleto pa naman ako sa mga gamit. Binilhan ako ng mga inlaws ko noh??” sagot ko dito.
“Wow alam mo ang swerte mo talaga sa mga in-laws mo. Tangap na tangap ka nila. Mapapa sana-all nalang talaga ako. Sana katulad nila ang magiging in-laws ko pagdating ng araw. Minus lang sa asawa mo na masama ang ugali ha??? Hehehheeh.” ngingiti-ngiti nitong sagot.
Natawa ako sa kanyang sinabi. Hindi nalang ako nagcomment. Maya- maya pa ay nakarating na kami ng mall. Kapansin-pansin din ang titig sa amin ng mga kalalakihan na aming madadaanan. Hindi na lamang namin pinansin at nagpatuloy sa aming pupuntahan. Sanay naman na kami sa ganitong attention. Kahit nga sa school maraming nagpapapansin sa amin. Buti nalang nanadyan sa Roldan na lagi naming kasama. Tintuo ni Roxie na magshopping siya. Gusto niya di ako bilhan pero tumanggi ako. Marami naman na kasi akong dam bag at sapatos. Pinagsashopping ako palagi ni Mommy Moira. Excited daw kasi itong mamili ng damit ko kasi parang anak na daw niya ako..
Nang mapagod kami ni Roxie ay tumambay muna kami sa coffee Shop. Nagpalipas kami ng oras at maya-maya ay nagyaya na akong umuwi. Padilim na kasi. Hindi namin namalayan ang oras.
Hinatid ako ni Roxie sa amin at agad din siyang umalis. Tumatawag na daw kasi ang kanyang Kuya Jonathan.
Pagpasok ko pa lang sa loob ng gate ng mansion ay agad akong
+25 BONUS
sinalubong ni Aling Marta na may pag alala sa mukha.
Senorita Carissa, Diyos ko buti dito ka na… Kanina pa kita hinihintay. bakas ang pag aalala sa boses nito.
Bakit po? Alas-otso pa lang naman po ng gabi ah?” nakangiti kong sagot dito
“Kanina pa dumating si Senyorito Gabriel at hinahanap ka. Biglang nagalit ng nalaman niya na lumabas ka”. Puntahan mo na lang sa kwarto niya. Magpakita ka sa kanya para alam niya na nandito ka na”. Mahabang pakiusap ni manang Delia.
“Po, Sige po manang.” sagot ko nalang dito at naglakad papasok ng bahay.
Sa loob-loob ko hindi ako pupunta sa kwarto ni Gabriel para
magpakita. Baka mamaya hindi naman talaga ako ang dahilan para uminit ang kanyang ulo. Baka hindi niya naman talaga ako hinanap. Ayaw ko maging assuming.
Pumasok ako sa aking kwarto at nagulat ako ng maabotan ko si Gabriel na nakahiga sa aking kama. Agad itong bumangon ng
mapansin niya ako.
Tumayo ito at nagalakad papunta sa akin. Tinitigan niya a la ulo hangang paa at nagsalubong ang kanyang kilay.
“Saan ka galing? Bakita ngayon ka lang?” Agad na tanon
“Ah sa Mall. Niyaya kasi ako ng friend ko na samahan siyang Sagot ko dito. Nalibang kasi kami sa pamamasyal at hindi namalayan ang oras kaya ginabi kami.
“Bakit hindi ka nagpaalam sa akin”? Dapat tinawagan mo ako ku lalabas ka ng bahay.” Pinag-alala mo ako.” Sagot nito
Nagulat ako sa kanyang sinabi? At kailan pa siya naging concern akin? Hindi na lang ako umimik at tumingin na lang ako sa kanya.
+25 BONUS
Hinintay ko pa kung ano pa ang mga susunod niyang sasabihin.
Sa susunod na lumabas ka magpaalam ka sa akin. Akin na yang cellphone mo.” sabi nito.
“Ha?… Bakit? Ano gagawin mo sa cellphone ko?” tanong ko dito at inabot ko din sa kanya ang aking cellphone kahit naguguluhan.
“ilalagay ko dito ang aking number para matawagan mo ako.” sagot nito. “Sa susunod wag ka ng umalis ng bahay na hindi ko nalalaman naiintindihan mo ba ako?”
“Kahit si Mommy ang kasama ko?” tanong ko dito.
Tinitigan niya ako. “Oo kahit si Mommy pa ang kasama mo….. Tsaka ayaw kong magsusuot ka ng ganyang damit. Hindi bagay sa iyo”.
Sabi nito.
“Ha? Pero bigay ito ni Mommy Moira. Binili niya para sa akin.” sagot
ko dito.
“No, ayaw kong isuot mo pa yan.. Nagkakaintindihan ba tayo Carissa?
naininis na sabi nito.
“Sige”.. Sagot ko nalng para hindi na humaba pa ang usapan. •
“Magbihis ka na at bumaba. Kakain na tayo ng dinner. Hihintayin kit sa dining area.” Sabi nito at lumabas na ng kwarto.
Tulala naman akong naiwan sa kwarto. Nagtataka ako kung anong nakain ni Gabriel. Bakit parang nag iba ang pakikitungo nito sa akin.
Agad akong nagbihis at bumaba na para kumain. Sabay kami kumain. ng dinner. Wala kaming imikan habang kumakain. Napapansin ko na panay titig niya sa akin. Hindi ko alam pero parang may gusto ipahiwatig ang kanyang mga tingin. Parang may ibig sabihin.
Naiilang ako sa kanya kaya agad kong tinapos ang aking pagkain at nagpaalam na aakyat na sa kwarto. Tumango lamang ito kaya
tumalikod na ako. Habang naglalakad ramdam ko pa din ang titig
niya sa akin.
+25 BONUS