Billionaires True Love by Cathy - Billionaires True Love by Cathy Bab 16
- Home
- All Mangas
- Billionaires True Love by Cathy
- Billionaires True Love by Cathy Bab 16
Kabanata 0016
CARISSA
Kinaumagahan, napabalikwas ako ng bangon ng marinig ko na tumunog ang aking alarm clock.
Naalala ko may pasok pala ako ngayon sa School. Aalis na sana ako sa kama ng maramdaman ko na may biglang yumakap sa likuran ko. Nang lingunin ko nakita ko si Gabriel na nakadilat at nakatitig sa akin.
“Saan ka pupunta? Maaga pa ah?” malambing na tanong nito sa akin. Nakayakap pa din ito sa akin at parang wala siyang balak na pakawalan ako.
“Ahmmmm may pasok ako ngayon sa School. Kailangan ko ng mag ayos baka ma late ako.” sagot ko dito.
“Fine.. Sige ako na maghahatid sa iyo sa School.”sagot ni Gabriel na labis kong pinagtaka.
Naguguluhan ako dito kasi parang ang bait niya sa akin ngayon. Simula ng palaging may nangyari sa amin nagbago na din ang pakikitungo niya. Hindi na siya galit at minsan napapansin ko na lambing na sa kanyang boses kapag kausap ako.
Palagi na din itong umuuwi sa mansion na labis kong ipinagtaka. D din siya palaging natutulog sa kwarto ko. Minsan pagkagaling ko n School nagugulat na lang ako na nadadatnan ko siya na nakahilata sa aking kama.
Wala pa din sila Mommy. Halos tatlong buwan na silang nasa ibang bansa. Balak yata nilang ikutin ang buong Europe.
“Sweetheart natulala ka na diyan. Sige na mag-ayos ka na, ikaw din baka ma late ka sa School.” bumangon na din ito. Hubot-hubad na
+25 BONUS
naglalakad papuntang couch para kunin ang kanyang robe at isinuot. Napaiwas ako ng tingin sa kanya.
Hangang ngayon hindi pa din ako sanay na makita ang hubad na katawan nito. Naiilang ako. Kahit na maraming beses ng may nangyari sa amin naiilang pa rin ako
Hindi naman kami masyadong nag uusap kapag nandito siya sa mansion. Hindi din ito nagsasalita pero lagi kong nahuhuli na nakatitig sa akin. 4
“Sige na maligo ka na. Lalabas na muna ako para makapagprepare ka.” sabi nito at tumalikod na.
Agad naman akong pumunta ng banyo para maligo. Pagkatapos kong maligo sinipat ko ang aking sarili sa salamin. Nagpapasalamat ako kasi hindi na ako nilalagyan ng kissmark ni Gabriel.
Sana ganyan na lang siya sa akin. Pero ano kaya ang nakain ni Gabriel, bakit kaya bigla siyang bumait. Noon grabe ang galit niya sa akin. Ngayon naman halos gabi-gabi kaming magkasama matulog.” nabigkas ko sa aking sarili.
Aminado ako na masaya ako sa pakikitungo sa akin ni Gabriel ngayon. Ayaw ko ng mag isip ng negative o ano pa man. Pero natatakot ako kasi lalong nahuhulog ang loob ko sa kanya.
Pakiramdam ko hindi ko kayang mawala siya sa akin. 4
Pagkatapos kong mag-ayos ay dali-dali akong bumaba.
Nakasalubong ko ang katulong na si Elsa na paakyat. Nang makita niya ako ay agad itong ngumiti at nagsabi..
“Good Morning Senyorita! Hinihintay na po kayo ni Senyorito sa dining area. Breakfast daw muna kayo bago umalis.”nakangiti nitong sabi
sa akin.
Ah ganoon ba? Sige..” at lumakad na ako papuntang dining area.
+25 BONUS
Naabutan ko si Gabriel na prenteng nakaupo habang nagbabasa ng diyaryo. Nang makita ako ay agad itong ngumiti at nagwika..
Halika na,. Set down,.. kumain ka muna bago tayo aalis.” wika nito.
“hmmmmm hindi na kasi ako nag-aagahan eh. Sa school na lang siguro.” sagot ko dito
Tumingin ito sa akin ng seryoso. Kinakabahan naman ako kasi baka bigla na naman itong magalit sa akin. Hindi naman na talaga ako nag- aagahan kapag pumapasok sa School. May breaktime naman ako ng alas-nwebe at doon pa lang ako kakain sa canteen kasama ang mga kaibigan ko.
Para sa akin kasi masyadong maaga pa ang alas-syete na pagkain. Hindi din ako nagugutom.
“What??? You didnt eat breakfast?” kaya pala ang payat mo?”. Salubong ang kilay na tanong ni Gabriel.
Hindi niya kasi napapansin kung kumakain ba ako sa umaga o hindi kasi mas maaga itong umalis sa akin.
Ngayon lang ito nag stay ng matagal sa mansion kapag umaga.
“Hmmmm, ano kasi kumakain naman ako sa School pero mama alas-nwebe pa.” Sagot ko dito.
3/3
+25 BONUS