Billionaires True Love by Cathy - Billionaires True Love by Cathy Bab 20
- Home
- All Mangas
- Billionaires True Love by Cathy
- Billionaires True Love by Cathy Bab 20
Kabanata 0020
“Yes Bro, pasensiya na.. Hayaan mo kakausapin ko ang School Director dito para mag conduct ng investigation.”. Sagot ni Jonathan kay Gabriel.
“Dapat lang Bro. Dahil hindi ako nangingimi na ipasara ang school na ito bukas na bukas din kapag hindi ako kontento sa results ng investigation na iyan. .” galit na sabi ni Gabriel. Tumingin ulit sa akin at galit na tumitig sa gawi nila Heidi,
Tahimik lang naman na nakatingin ang mga officer. Hindi sila
nangahas na sumagot kasi napansin nila na mainit ang ulo ni Gabriel. Baka sila pa ang mapagbuntunan. Alam nila kung gaano ito kama- kapangyarihan.
“Sino nagpasimuno sa gulo?” Saan mo nakuha ang mga sugat na yan?” tanong ni Gabriel sa akin.
“Yang dalawang bruha na yan. Sila ang nag-umpisa. Nalingat lang ako sinugod na agad nila si Bestie Carissa ko. Palibahasa kasi ang laki ng inggit sa katawan ” si roxie na ang sumagot. Nanlilisik naman ang mata habang nakatingin kina Heidi.
Lalong dumilim ang aura ni Gabriel ng marinig ang sumbong
“Hoy Roxie ikaw ang unang sumabunot sa akin.” Ganting sagot naman ni Heidi na malagkit ang titig kay Gabriel. Halatang nagpapacute ito bigla. Akala nito ay
“Paanong hindi kita sasabunutan binuhusan mo ng juice ang Bes Carissa ko.” Ganting sagot naman ni Roxie.
“Bestie pigilan mo ako kahit nandito tayo sa guidance susugurin ang dalawang yan. Kanina pa nanginginig ang laman ko sa inis mga yan.”sabi ni Roxie sa akin.
+25 BONUS
“Hep!.. Hep!!!… Roxie umayos ka nga…. Hindi ko akalain na Amazona ka pala. ” Awat ng Kuya Jonathan ni Roxie.
“So sila ang nag-umpisa ng gulo”.. Wika ni Gabriel.
“Oo nga, paulit-ulit naman eh. Kahit na icheck mo pa ang cctv.” sagot
ulit ni Roxie.
“I want you to Expel them from this School Bro”. Biglang sabi ni Gabriel kay Jonathan.
Gulat na napatingin sila Heidi at Lorena at mga magulang nito kay Gabriel.
“Mr. Villarama hindi naman yata tama yang suggestion mo. Normal lang sa mga kabataan ngayon ang mag-away. Pwede natin itong pag- usapan ng maayos”. Biglang sagot ng Mommy ni Heidi.
‘Hmmmpppp!!!!!… akala mo kung sinong maamong tupa… Kanina kulang na lang lapain kami sa galit”. Inis na bulong ni Roxie.
“Hindi ko hinihingi ang opinion mo Mrs…
Basta ayaw ko ng mabalitaan na dito pa nag-aaral yang anak mo ” sagot ni Gabriel.
“Pero Mr. Villarama napaka-unfair ng gusto mo”. Maliit na bagay ito kung tutuusin pag usapan natin ito.” tatawagin ko ang Dadd Heidi para mapag-usapan ng maayos.” mahabang pakiusap ng Mommy ni Heidi.
“Buo na ang desisyon ko. Ayaw kong makasalamuha pa ng asawa k ang anak niyo dito sa school. Nagkakaintindihan ba tayo????”. Tiim bagang na sagot ni Gabriel. Halatang nagpipigil sa galit.
Gulat ang lahat ng makarinig nito. Asawa???? Inamin ni Gabriel sa lahat ng nandito na asawa niya ako….. Pati si Roxie ay namilog ang mata sabay tumingin ng makahulugan sa akin.
+25 BONUS
Ang mga magulang naman ni Heidi at Lorena ay gulat na gulat…. tumingin pa ang mga ito sa akin.
Hindi ko naman alam kong paano mag react. Lumapit sa akin si Gabriel at inalalayan akong tumayo. 2
“Lets go.. Kailangan magamot yang mga sugat mo.” wika nito sa akin. na may halong lambing ang boses.
“Bro, we have to go. Kailangan ko maipagamot agad ang sugat ni Carissa. Hindi ako nagbibiro sa sinabi ko kanina tutuhanin ko ang sinabi ko kapag malaman ko na dito pa rin nag aaral ang dalawang yan.” sabay sulyap sa gawi nila Heidi at Lorena.
“Call me if you need anything. I will ask my lawyer to come here kung may mga importante at legal pang pag-uusapan” dagdag pa nito bago ako hinila palabas.
+25 BONUS