Billionaires True Love by Cathy - Billionaires True Love by Cathy Bab 8
- Home
- All Mangas
- Billionaires True Love by Cathy
- Billionaires True Love by Cathy Bab 8
Kabanata 0008
CARISSA
Nagising ako kinabukasan sa sinag ng araw na tumatama sa aking mukha na nagmumula sa siwang ng kurtina mula sa bintana. Nang tingnan ko ang oras sa side table ng aking kama nagulat ako kasi alas -S na pala ng umaga.
Nang subukan kung kumilos para bumangon naramdaman ko ang sakit ng buo kong katawan lalo na ang nasa gitna ng aking hita. Naalala ko ang ginawa namin ni Gabriel kagabi. Halos magdamag niya akong inangkin. Parang wala siyang kapaguran. Hindi ko na nga naramdaman na nakatulog na pala ako sa pagod.
Nahawakan ko ang aking ulo ng makaramdam ng pagkahilo. Tiniis ko ito at pinilit na bumangon. Paika-ika akong pumunta ng banyo para maglinis ng katawan. Umupo ako sa toilet bowl para umihi. Napapikit ako ng maramdaman ang sobrang hapdi ng aking pagkababae. Parang nagkasugat yata ako sa bahaging iyon.
Pagkatapos kong gawin ang aking mga routine sa loob ng banyo ay dahan-dahan akong bumalik sa kama. Nagulat pa ako ng makita kung gaano kagulo ang aking higaan. Nang hawiin ko ang kumot ay nanlaki ang aking mga mata ng may makitang bahid ng dugo ang kobre-kama. Agad akong pumunta sa Cabinet upang kumuha ng pampalit. Pero nang maramdaman ko ang hapdi ng aking
pagkakababae at parang lalagnatin ako ay nagpasya akong takpan na lang muna ng kumot ang dugo. Mamaya ko na lang papalitan ang kobre kama kapag maayos na ang aking pakiramdam ngayun. Kumuha pa ako ng isa pang malinis na comforter upang gawin kong kumot. Pakiramdam ko ay sobrang nilalamig ako. Agad akong humiga upang marelax ng kahit kunti ang aking katawan.
Buti ba lang at wala akong pasok ngayun sa School. Ipinikit ko ang
1/4
aking mga mata at hindi ko namalayan na nakatulog pala ako.
+25 BONUS
Hindi ko namalayan kung ilang oras akong nakatulog. Nagising na lang ako sa mahinang katok sa pinto. Babangon sana ako kaya lang ay parang nawalan ako ng lakas. Sobrang bigat ng pakiramdam ko at para tuyong-tuyo ang aking lalamunan.
“Good Morning Senyorita Carissa… Pasensiya na po kayo at puma………..” natigilang wika ni aling Marta ng makapasok ito ng aking kwarto. Bakas sa mukha nito ang pagtataka ng makita ako sa kama na nakatalukbong at nanginginig. Sobrang nilalamig talaga ako.
“Diyos ko Senyorita, anong nangyari sa iyo..masama ba pakiramdam mo?” nag-aalala nitong wika at agad na sinalat ang aking noo. Napalitan ng sobrang pag-alala ang reaksiyon nito ng mapagtanto kung gaano ako kainit.
“Senyorita… Ang taas ng lagnat mo.. Diyos ko!!?.
Teka lang kukuha ako ng pagkain sa kusina at gamot para makainom ka… “Natataranta nitong wika at mabilis ang hakbang na lumabas sa aking silid.
Wala pang limang minuto ay muling pumasok si Aling Marta. May dala na itong pagkain. Tatanggihan ko sana ang dala nitong pagkain kaya lang ay nagpumilit ito. Kailangan ko daw kasing uminom ng gamot. Pinilit ko ang aking sarili na kumain ng kahit kunti para malamnan ang aking sikmura bago uminom ng gamot. Ayaw ko din naman na magkasakit ako ng tuluyan. ”
Pagkatpos kong kumain at uminom ng gamot ay bumalik ako sa dati kung pwesto. Wala pang isang oras ay bumalik si Aling Marta sa kwarto. May kasama itong magandang babae. Seksing-seksi ito sa kanyang suot na puting damit. Para itong modelo kung maglakad. Bakas sa mukha nito ang pagiging masayahin at mabait. Nagtataka akong napatingin dito. Nakangiti ito habang papalapit sa aking higaan. Babangon sana ako kaya lang ay napangiwi ako dahil sa
+25 BONUS
sama ng aking pakiramdam. ”
“Senyorita Kasama ko po si Doc Genie. Doc Genie siya po si
Senyorita Carissa, asawa po ni Senyorito Gabriel.” pakilala ni Aling
Marta.
Ngumiti ako kay Genie. Ganun din naman ito sa akin. Agad naman. nagpaalam si Aleng Marta sa amin kaya naiwan kaming dalawa ni
Doc Genie sa kwarto.
Kumusta ang pakiramdam mo? I understand na first time mong nakipagtalik kaya normal lang iyang nararamdaman mo ngayun.” nakangiti nitong wika. Nakaramdam ako ng hiya sa pagiging bulgar nito pero binigyan ako nito ng nakakaunawang ngiti na agad ko namang iginaan ng aking kalooban. Pero nagtataka ako kung paano nito nalaman na nagtalik kami kagabi ni Gabriel. 10
“Tinawagan ako ng asawa mo kanina. He is my first cousin at closed kami. Kahit may pagkamasungit yung asawa mo nakakapagtiyaga naman ako sa ugali noon.” wika ni Genie. Tanging pagngiti lang ang aking nagawa sa sinabi nito. Nahihiya kasi ako dito at isa pa ayaw kong maging feeling closed dito dahil ngayun lang kami
nagkakakilala. 6
Inumpisahan na ako nitong suriin lalong lalo na ang aking
pagkababae. Kakatapos lang ako nitong suriin ng biglang pumasok sa loob ng kwarto si Gabriel. Agad na nagtama ang aming mga mata. Hindi ko alam kung namamalikmata lang ako pero bakas dito ang matinding pag-aalala. Agad kong iniwas ang paningin dito..
“How is She Genie. Sabi ni Aling Marta mataas daw ang lagnat niya.” agad na wika nito ng makalapit sa akin.
“Hay naku Cous… Masyado mo namang binigla si Carissa..” halata sa boses nito ang inis habang tinititigan si Gabriel.
“Why? Ok lang ba siya? I mean…” hindi natuloy ang sasabihin ni
+25 BONUS
Gabriel nang magsalita ulit si Genie.
“No sex for 1 month. Pagalingin mo muna ang sugat ni Carissa.” wika
ni Genie. 14
Hindi ko naman alam kung ano ang magiging reaksiyon. Lalo akong Nakaramdam ng hiya ng tumitig sa sakin si Gabriel. Kung pwede nga lang lamunin na ako ng lupa sa mga sandaling ito. Sariwa pa rin kasi sa isipan ko ang mga nangyari sa amin kagabi. Tapos heto ako
ngayun halos hindi makabangon dahil iniinda ang sakit ng katawan.
–
+25 BONUS